ang aming kasal.
GE & KRISH
02.24.24

Kapag lahat ng pinanghahawakan ay bumibigay,
At kapag hindi na kinakaya, ikaw ang nagbibigay-kulay.
Magigiliw mong salita ay pamawi ng luhang nagbabadya,
At nagbibigay ng ligaya sa pusong nawawalan ng pag-asa.

Masisipag mong kamay ay lagi kong hahawakan,
Umaalalay sa tuwing ako'y naliligaw at napanghihinaan;
Nagpapaalala kang kahit kailan ay hindi ako mag-iisa,
Nagpapaalala na habang-buhay, ikaw ang makakasama,
Kaloob ng Maykapal na tayong dalawa, sa hirap at ginhawa—
Noon, ngayon, at magpakailanman.